Post by kikyamosh on Oct 8, 2014 17:03:41 GMT 8
Continuation po ito nong nangyayari sa akin sa post kong Ang aking Bisita..(One month later) Friday ng umaga.. Nagpaalam yung nanay ko na may pupuntahang birthday ng kamag anak namin, kasama nya ang lola ko. As usual mag isa na naman ako sa bahay. Maghapon akong nanood ng cartoons. Bandang alas dos ng hapon, dahil sa pagkainip at tinatamad naman akong pumunta sa kaibigan ko napagpasyahan kong matulog nalang. Sa sala ako natulog, sa sofa (doon ko nakita sa panaginip ko ung babaeng nakaputi nong nakaraang buwan). Bale nakaharap ako sa may bintana, tanaw kasi doon ung terrace ng bahay ng tita ko. Kahit medyo mainit dahil malapit na ang summer, nakatulog naman ako. Nong una ok naman, hanggang sa nanaginip na naman ako, nandon na naman ung babAeng nakaputi sa may bintana na napanaginipan ko b4. Dat time may mukha na sya, nakakaloko syang tumingin at ngumiti. Tumayo ako (sa panaginip ko) akma akong tatakbo bigla syang naging itim na usok tapos bigla ulit akong natumba sa sofa, napahiga ako at kitang kita ko na pumasok sa bibig ko ung usok. Maya2 bigla ko nakita yung katawan ko na nkahiga at nangingisay tapos nandon na ung nanay at lola ko na nilagyan ako ng rosary sa kamay, sabay clang ngdadasal ng hail mary at pareho clang umiiyak. Para akong naging isang ghost at nakahiwalay ung spirit ko sa ktawan ko, nakita ko din yung babae sa ulunan ko na nakatingin sa katawan kong nkahiga tapos nagsasalita sya ng latin.
Napaiyak na ako non, tapos ngdasal na din ako. Pinilit kong bumalik sa ktawan ko pero sinakal ako nong babae. Iwan ko na daw ang ktwan ko at sumama sa kanya. wALA paren akong tigil sa pagdadasal hangang sa nakita ko na lumabas ung itim na usok ksabay nong pgkawala nong babaeng nakaputi. Bigla din akong nagising pero ung pakiramdam ko na pawis na pawis kahit malakas ung electric fan?? at kapos sa paghinga na para talaga akong sinakal. mag isa pren ako sa bahay dahil wala paren ung nanay at lola ko. Takot na takot ako non, kaya lumabas ako ng bahay at tumambay sa bahay ng tita ko. Hinintay ko nalang na dumating ang nanay at lola ko.
iLang taon pa akong hindi tinantanan ng babaeng yun! Iba ibang paraan ng pagpapakita sa panaginip at madalas ay gising ako. minsan nga umaga pa eh. Kwento ko nalang sa susunod.
Sorry po medyo mahaba ung kwento ko.