Post by BantayMulto13666 on Apr 15, 2006 14:42:21 GMT 8
Nagyari ang mga sumusunod sa aming bahay
sa mula oras ng 11:00 ng gabi hangang 2:00 ng umaga.
Nasa salas ako ng aming bahay, gumagawa ng
isang laro sa pamamagitan ng Visual Basic na aking
Ipapasa bilang isang Final Project sa school.
Nang akoy nasa kalagitnaan ng paggawa ay
nakita ko ang aking inang lumabas sa kanyang kwarto
sa aking likuran. malamang iihi xa sabi ko sa isip ko
Habang gumagawa akoy napansin kong pumasok na ang
aking ina at umupo sa may Sofa sa loob ng sala sa
aking kaliwang bahagi. Nagtaka ako sapagkat dis oras
na ng gabi ay gising pa xa at pinapanood ako sa aking
pagawa ng laro. Sa may sofa ay nakalagay ang mga
damit na titiklopin kasama ang ilang mga bakanteng
hanger. Naririnig kong gumagalaw ang mga hanger.
Inisip ko na marahil nagtutupi xa ng mga damit. Hina-
yaan ko lang xa duon habang nagtatka ako sapagkat dis
oras na ng gabi ay nagtutupi pa xa. Hindi ko na nama
layan ang oras sa sobrang pagiisip sa larong gagawin
ko. Pero habang ginagawa ko yun ay dama ko parin na
nandun xang nakatingin sa akin. Di ko na xa inintindi
sapagkat tutok na tutok ako sa pagawa na laro. Ni di
ko manlang nasulayapan kung ano ang kanyang talagang
ginagawa. Nang akoy antukin na at napatay ko na ang
aking COmputer ay napansin kong umaga na pala.
Nang pagtingin ko sa upuan ay ni anino ay wala akong
nakita maliban sa mga damit. Nagataka ako pagkat alam
kong may tao talaga roon dinig ko ang kanyang pagalaw
at naaninag ko xa sa tagiliran ko. Sabi ko sa sarili
ko malamang di ko na napansin ang kanyang pagpasok sa
kwarto. at natulog na ako. Kinabukasan bago ako pumasok ay naitanong ko sa aking ina kung bakit nya
ako binantayan at nagpuyat. sabi nya di naman daw nya
ako binantayan at lumabas lang daw xa umihi at muling bumalik sa pagtulog. Nagulat ako sapagkat alm
kong may nagbabantay sa akin. Ng ikalawang gabi ko ng gagawin ang aking project ay di nako muling nagpagabi
baka muli akong bantayan ng isang multo.............