Post by Anonymous from La Salle on Sept 4, 2006 1:21:45 GMT 8
Ito pong aking ikukuwento ay base sa aking tunay na karanasan limang taon na ang nakakaraan ng ako ay malapit ng matapos sa kolehiyo.Ang pangyayaring ito ay bahagi ng aking karanasan na hindi ko malilimutan hanggang sa aking pagtanda.
Taong 2001 araw ng linggo at araw na naman ng pagbalik namin sa aming dormitoryong tinutuluyan sa Das Marinas Cavite.Pareho kaming nag-aaral sa La Salle at sabay din umuuwi ng maynila kapag walang pasok o bakasyon at sabay din bumabalik ng Cavite kapag umpisa ng klase.Nasa pang-apat na taon na kami at pinagagamit na ng sasakyan ng aming mga magulang kaya kami na ang nagmamaneho kapag bumabalik sa Cavite.
Noong kami ay nasa unang antas ng kolehiyo mas madalas na ihatid kami ng aming mga magulang sa dormitoryo o kung hindi man ay nag-bubus kami galing Baclaran.Kapag may sasakyan ay mas madalas na sa Coastal Road ang daan namin dahil may dinadaan kami sa Noveletang kamag-aral para isabay pabalik ng Dasmarinas.
At noong taong 2001 nga araw ng linggo di ko matandaan kung bakit imbes na dumaan kami ng Coastal road papuntang Dasmarinas ay doon kami napadaan sa Carmona Heights ng pinsan ko. Ah marahil ay nagdaan nagpunta kami sa g.f. ng pinsan ko na tiga Alabang. oo nga napagkasunduan naming sa Carmona Heights na lang kami dumaan at may shortcut namang papuntang Dasmarinas.Habang nasa daan kami nagbibiruan kami tungkol sa mga multong nagpapakita sa dorm namin sa Cavite.Sabi niya puro lang daw hearsay lahat ang kumakalat na balita at wala namang basihan dahil puro kuwentong barbero lang daw.
Bago dumating ng exit ng Carmona nagdaan kami sa Petron station para magpakarga ng gasolina mga pasado alas onse na ng gabi at medyo nagugutom na rin kami kaya bumili na rin kami ng makakain sa Jollibee. Eksaktong alas dose ng gabi ng makaexit kami ng Carmona heights. Habang binabagtas namin ang daan ng Carmona heights na lubhang napakadilim dahil walang ilaw ang mga poste ay nagkukuwentuhan kami na marami raw mga holdaper doon dahil nga sa medyo ilang na lugar at wala pang masyadong bahayan.Ilang minuto pa sa daan at may nakita kaming dalawang tao na naglalakad at dahil sa medyo may kalayuan pa sa amin ay di namin maaninag pa at habang palapit na ang aming kotse sa kanila ay nakita namin ng pinsan ko ang dalawang babae na kumakaway sa amin at parang gustong makisakay.Sabi niya ay huwag naming tigilan at baka ito ay pain ng mga highway robbers para tumigil kami at maging isa sa biktima ng mga kriminal na ito. Aming nilampasan ang mga babae sa daan at sabay pang tumawa na nasa isip na akala nyo maiisahan nyo kami ha.
Malapit na kami sa gate ng Carmona Golf club ng mapansin ko na parang tulala ang pinsan ko sa driver's seat kaya biniro ko pa siya,,,hoy anong nangyari sa iyo naeebak ka na ba? Pero hindi pa rin siya nakibo at doon na ako kinabahan at baka kung ano na ang nararamdaman nya dahil siya ay may sakit na hika.Sabio ko ok ka lang pero di pa rin siya nagsasalita sabi ko nasaan ang inhaler mo? Naalala ko na yung bag nya ay nasa backseat kaya kinapa ko ang bag nya sa likod para kunin yung inhaler nya.
Pero laking gulat ko ng may ibang bagay akong nahawakan sa likod ng aming sasakyan tuhod ng tao.Sabay tingin sa likod....yun na ang huli kong natandaan at sa ospital na kami muling nagkamalay.
Alam nyo ba kung ano ang nakita ko at ng aking pinsan sa loob ng aming sasakyan? Mismong yung dalawang babae na kumakaway sa amin para makisakay at pareho silang walang mukha.