|
Post by jumong on Mar 28, 2008 23:58:08 GMT 8
Nag simula etong karanasan ko sa bahay ng kaibigan kong babae. Araw ng mga patay nung naisipan namin maki-tulog sa bahay ng kaibigan ko. Bandang 2:00am ng mapansin ko kaka-ibang ingay sa labas ng bahay nila, naisipan kong silipin iyon sa bintana ng kuwarto. Kaso hindi ko magawang mabuksan ang bintana, kaya naisipan kong lumabas nang kuwarto upang puntahan ang pinag-mumulan ng ingay(iyak ng isang babae). Nung nasa labas na ako ng bahay me naramdaman akong kaka-iba, tumayo ang mga balahibo ko bigla. Pero tinuloy ko parin ang balak ko na tingnan ang kaka-ibang ingay sa gilid ng bahay. Pag dating ko sa lugar nang ingay wala akong nakitang pinag mumulan nang ingay. kaya naisipan kong bumalik sa loob ng bahay. Pag-pasok sa kuwarto, napa-daan ako sa isang cabinet. Naaninag ko sarili ko sa salamin, na me naka-sunod na matandang babae sa aking likuran! Wala ang kalahati ng kanyang mukha. At naka-titig sa akin ang babae na eto. Sa sobrang takot ko, tumalon ako sa higaan. At nag talukbong ako. Halos isang linggo rin akong nilalagnat dahil sa nakita ko. Ilang taon na rin ang naka-lipas mag mula nung pangyayari na'yun. Madalas na ako makaramdam at maka-kita nang mga hindi pangkaraniwan. (mga multo o espiritu)...
|
|
|
Post by Eduard on May 17, 2008 5:37:29 GMT 8
aw,, nagulat ako dun ah, kahit binabasa ko lang nagulat parin ako,, nice story
tnx for sharing ;D
|
|