Post by chie on Oct 25, 2008 20:54:01 GMT 8
Actually hindi naman ako makikitain pero naniniwala ako sa mga kwentong about multo, engkanto, at mga kababalaghan na hindi minsan kayang ipaliwanag kung paano at bakit nangyari at may mga naranasan na din ako...It was happened during my 6th grade. Sa probinsya ako lumaki, since hindi pa uso noon ang mga computers, psp ang uso noon eh maglaro sa labas ng bahay hanggang lumabas ang liwanag ng buwan, masaya na ang mga batang makpaglaro sa ilalim ng poste sa kanto o kalsada at kahit na madumi na ang paa sa alikabok sige pa din ang laro ng taguan, patintero, tumbang-preso at papasok na lang ng bahay kapag tinawag ng kakain na.
I still rmembered bakasyon noon and it was 6:00pm. Me and my other playmates playing on the vacant lot infront of our house, vacant lot ung harap ng bahay namin at tabi kami ng malaking lawa na puro damo at ilan-ilang talahib. Sa bakanteng lote may naka-park na sirang toyota na sasakyan na kinalawang na lang sa tagal ng pagkaka-tambak doon..at maliit na bodega na sobrang luma na at butas-butas na ang bubong pero naka-sara naman ang pintuan, dahil sa wala namang nag-aalaga noong lote na yun, napuno na lang ng malalaking damo at mga halamang kahit na hindi inaalagaan eh lumalago na lang..inshort parang ang sukal sukal na ng lugar.
At dahil wala namang gate pumasok na lang kami ng mga kalaro ko at doon kami naglaro ng taguan, takbo dito at takbo doon, sigawan, tawanan as if para kaming mga nakawala sa hawla..
natapos kami magsi- seven (7:00) na ng gabi, kung hindi pa kami tinawag ng mga nanay namin para kumain malamang inabot pa kami ng 8:00pm dahil napaka-liwanag ng buwan.
When i got home, my mother told me to wash our hands and feet bago kami kumain at dahil na din sobrang namuti na mga paa namin sa alikabok na kumapit. Nang pupunta na ako sa bomba..hindi pa uso ang gripo that time kaya de bomba ang pagkuha ng tubig... hindi na ako makalakad, ang kaliwang binti ko ay hindi ko na maigalaw, sobrang sakit kung nilalakad ko, chineck ng mama ko kung may sugat ako o kung anong nangyari sa kin sabi ko naman walang nangyari sa kin dhil hndi naman ako nadapa.. pero tumitindi ang sakit ng nararamdaman ko, dahil wala namang doktor sa bayan namin madalas kung nagkakaroon ng mga sakit ang mga tao doon albularyo agad ang pinatatawag.
Ilang minuto pa dumating ang albularyo na kilalang kilala sa bayan namin, kumuha ng tawas, at nag-pa baga ng uling ang matanda at nagpakuha ng plato..at kandila.. habang dinadasalan ako pinatunaw nya ang tawas sa kandila at pinatulo ito sa plato at inantay na matuyo..nakakapagtaka ung tawas na natuyo ay nagkorteng parang tao at dinurog nya ung natuyong tawas at pinahid sa hita ko hanggang singit.
Naka-apak daw ako ng taong hindi nakikita at anak daw ng hari ang naapakan ko, duwende daw ang naapakan ko. Nakakapag taka na pagka-pahid ng tawas ng albularyo eh para lang ako nagdahilan.
Since then pag maglalaro na kami ng dapit-hapon palagi na akong nagpapasintabi sa mga lugar na alam kong hindi palaging dinadaanan dahil ayoko ng maranasan ung sakit na naramdaman ko.